Thursday, February 10, 2011

Bad Week

Nag-aral ka naman, may panata pa, bagsak pa din.
Eh ganun talaga...

Maingat ka naman, inalagaan ang kalusugan, nagkakasakit pa din.
Eh ganun talaga...

Nag-iipon ka naman para may magamit sa emergency, lagi din naman may emergency.
Eh ganun talaga...

Nagtatrabaho ka ng maayos, hindi naman umuunlad (bababaan pa ang marka).
Eh ganun talaga...

Mahusay ka naman, pinupuri ka pa, pero hanggang dun lang magagawa nila.
Eh ganun talaga...

May piso sale nga (ng Cebu Pacific), wala ka naman kasama.
Eh ganun talaga...

Gusto mo maglibang pero mas may dapat pahalagahan.
Eh ganun talaga...

Masaya ka namang nag-iisa, pero ayaw nilang maniwala.
Eh ganun talaga...

Nagpapakatatag ka pero sunod-sunod naman ang problema.
Eh ganun talaga...

Nagpapakabait ka naman, pero mailap pa din ang swerte.
Eh ganun talaga...

Nakakabalisa
Nakakaburyong
Wala ka naman masisi
Shit happens...

Eh ganun talaga...

Custom Search